We do invite the OFW’S...you are free to email us for any
special greetings to your loveones express your thoughts and feelings or any
experiences working abroad.
E-mail me to this acct:lynrock13@yahoo.com your stories and
greetings will be post here. To: Barbie Charylle L. Roca
God smiled at me just this morning thru the rising sunrays. I'm sharing the same courtesy with you by sending you a warm smile that your heart can feel even without seeing.
MINSAN HIRAP ITO UNAWAIN NG MGA PAMILYA SA PINAS HINDI INIISIP ANO BA ANG NANGYAYARI SA KANYA DOON KUNG ANG MAHAL NATIN SA BUHAY AY MASAYA BA SA ARAW-ARAW NA LUMILIPAS HABANG S'YA AY NASA ABROAD?
KADALASAN MGA NANDITO PA SA PILIPINAS ANG NAGTATAMPO....oras pera na ang dahilan...
Gaano nga ba kahalaga ang pera? Bakit kailangan pa natin lumayo, ipagpalit ang kaligayahan sa piling ng pamilya, sa mga malalapit na kaibigan?, at pagkatapos nun ano ang magiging kapalit, maginhawang buhay, magandang bahay, me sasakyan, masasarap na pagkain, sapat na ba yun?, sapat na ba yun sa mararanasan mo sa ibang bansa, sapat na ba yun para di ka makilala ng mga anak mo sa pagbabalik mo, sapat na ba yun para maranasan mo ang hirap ng walang karamay, ang tumulo ang luha mo habang nagta trabaho ka.Nung nasa Pinas pa lng ako nakaka inggit ang mga nagbabalik bayan, para bang ang sarap sarap ng buhay nila, inisip ko sana maka punta din ako ng ibang bansa, sana makapag abroad din ako, tapos nun nagsimula ako mag apply, medyo sinwerte din kaya natanggap, nung nagsisimula na ako mamili ng mga dadalhin ko aba parang nag iiba na mundo ko, na para bang ok lng kung ano man ang mangyayari sa akin, di ko malaman kung matutuwa ba ako o malulungkot, natutuwa ako kasi maiibigay ko na sa pamilya ko ang mga bagay na kailangan nila, di na ako mag aalala sa pag aaral nila, sa isang banda nalulungkot kasi mawawalay na ako sa mga minamahal ko, halo halong emosyon ang nararamdaman ko.Nung nasa airport na kami, nakikita ko mga kasama ko na mag aabroad din, umiiyak sila, mga pamilya nila, me nakita pa nga ako na yung anak ayaw humiwalay sa papa nila, nakita ko pamilya ko, gusto nila umiyak, pero alam ko pinipigil lng nila, inisip ko bakit sila umiiyak, bakit parang wala ako nararamdaman, hanggang sa umalis na kami, isang kaway lng ang naitugon ko sa pamamaalam ng pamilya ko, hanggang dumating kami dito sa ibang bansa parang wala pa din ako sa sarili ko, tapos nararamdaman ko habang dumadaan ang mga araw nag iiba na, minsan sa oras ng trabaho bigla na lng mahuhulog ang luha mo, ganun pala yun, akala ko nagbibiro lng mga dating nag abroad sa nararamdaman nila, bigla ka na lng gugulatin ng kasamahan mo, kasi nakatulala ka na pala, minsan nararamdaman mo na lng para bang palagi ka na lng busog, para bang kahit na gusto mo kumain e ayaw naman lumampas ng kinakain mo sa lalamunan mo, gusto mong matulog pero ayaw pumikit ng mga mata kasi nahuhulog na mga luha, ahhhhhh, buti na lng meron cellphone ano, pero teka, parang lalo lang yata ako nalungkot kapag nadidinig ko ang tinig ng aking mga mahal sa buhay a., ganito ba talaga kahirap ang nasa malayo.Ito ba ang kapalit ng ibibigay kong magandang buhay sa kanila, ganito pala ang nasa abroad naisip ko din, kaya pala madami pamilyang nasisira, minsan di nila makayanan ang sobrang kalungkutan, kaya ayun naghahanap sila ng makakapitan, buti na lng naka isip ako ng ibang paraan para makasama ko ang pamilya ko kahit nasa malayo ako,ano ba nmn pabilhin mo sila ng computer at bumayad ng internet kung sa pag uwi mo naman sa bahay mo e makikita mo na sila, makaka kulitan mo mga anak mo habang nagkukwentuhan kayo.Napakahirap pala talaga ng nasa ibang bansa, para lang ipagpalit ang kaligayahan ng pamilya mo para lng sa kakarampot na kita, sana mapaglabanan lahat natin ito, makaka uwi din tayo at makakasama na natin mga pamilya natin..
HIND PORKE'T NASA ABROAD SI MAMA O SI PAPA MAYAMAN KAME ...Makinig sa Kwento at unawain...kinakapus din kung hindi marunong Mag budget.. Kailan kame naging mayaman sa paningin ng tao..dahil ba ay may abroad sa pamilya? Ang hirap sa araw-araw na pamumuhay kung isa sa bahay ay kulang, lalong-lalo na kapag ang haligi ng tahanan ay napalayo ang trabaho ,tiis ang abot ng bawat isa sa pamilya lalo na ang mga anak wala sa bilang marami man o konti ang anak masakit pa rin yon sa anak at asawa na hindi kapiling ang tatay o ang nanay sa araw araw na lumilipas ang panahon. Sa paglaki ng bawat anak ng OFW's hindi lagi pera ang katapat gaya ng inaakala ng maraming tao na mayaman ang may pamilyang abroad at wala ng sakit sa bulsa nararanasan...dahil hindi lahat nasa abroad ay malaki ang sweldo gaya ng mga OFW's sa Middle East kung hindi marunong mag budget ang naiwan sa pinas sigurado baon sa utang ang bawat pamilya naiwan ng OFW workers.may mga pangyayari pa kailangan antayin ang padala ni papa o ni mama dahil wala pa silang sweldo kaya kadalasan pag hindi marunong magtipid at mag budget baon sa utang ang kalalabasan.eto ba ang mayaman? Maraming deskriminasyon nangyayari sa lipunan ngayon ang mga anak ng OFW's pag sinabi ang magulang nasa abroad halos karamihan sa kapaligiran ang nasa isip mapera at hindi na kailangan ang kahit anong biyaya na ipinagkakaloob sa mga bata mula sa mga pribadong pundasyon o tulong mula sa ibang bansa.pero kung ibabase lamang ang kalagayan mas hirap ang mga anak ng OFW's dahil sa tindi ng pangulila sa minamahal nilang ama o ina na ubo't ng layo napadpad ang trabaho sa madalit sabi nakipagsapalaran. ang pagkaroon ng magulang na nagtratrabaho sa ibayong bansa ito ay nagpapakita lamang na gaano ka responsable bilang magulang sa mga anak at huwag naman sana sisihin ang mga sitwasyon ng ibang pamilya na nanatili sa sariling bansa kung ikukumpara ang bawat antas ng buhay ng bawat pamilya na may nagtratrabaho sa ibayong Bansa kaya dapat ang biyaya na binibigay ng isang pribadong pundasyon ay mananatili sa mga bata na ang magulang ay hindi nag ibayong bansa.huwag naman sana maging ganoon ang deskriminasyon dahil masakit din sa kapwa bata sa nakikita na ba't hindi sya napapabilang sa mga biyayang nakakamit ng kapwa bata sa lipunan na ito dahil ba ay nasa abroad ang magulang....ang tanong malaki ba ang sweldo at ipinapadala sa pamilya ,wala bang binabayaran sa bawat buwan ang pamilya sa pinas,mga gastusin sa araw-araw at pangangailangan ng bawat anak sa kani-kanilang edukasyon.maraming bagay na paghihirap ang nararanasan ng bawat pamilya na may abroad ikumpara sa pamilyang nanatili sa sariling bansa na hindi pinagtutuonan ng pansin ng karamihan paano ba lumalaki ang mga anak ng OFW workers na hidi nasisilayan ng magulang (tatay / nanay o parehas nasa abroad) dahil sa isip ng maraming tao sa kapaligiran pera lang ang katapad ng pangulila ..ngayon eto ba ang mananatili sa kaisipan ng karamihan MAYAMAN...MAPERA ang pamilyang may nagtratrabaho sa abroad? marami ng umuuwi sa Pilipinas mula sa ibang bansa na luhaan o masasabi natin may matinding hindi inaasahan problemang naranasan sa ibayong Bansa ..magkaroon naman sana tayo kahit konting konsiderasyon man lang sa bawat sitwasyon ng bawat OFW workers at sa mga pamilya naiwan sa bansa na patuloy lumalaban at sakripisyo sa buhay . Sana itong konting paliwanag ko ay magsilbing gabay sa bawat isipan ng kapwa na mapanghusga na hindi mayaman ang mga OFW workers at ang mga naiwan na pamilya sa bansa. MAGTRABAHO NA LANG NG MAAYOS KAGAYA NG PAGSISIKAP NG MGA OFW'S NA GINAGAWA NILA UPANG MAIPAKITA NA SILA AY BAYANING MAGULANG AT RESPONSABLE..!! '' TIGILAN NA ANG MALING AKALA ''.
Linggo, Setyembre 30, 2012
Kwentong
OFW'S.......basahin mo para magising ka sa katotohan!
Ang
buhay nga naman ng mga OFW'S maraming bagay na puede maranasan habang
malayo sa mga mahal sa buhay,mahirap makipagsapalaran una’t –una pa
man di alam ang buhay na haharapin pagdating sa kabilang ibayo mula
sa Bansa ng Pilipinas Patungong Abroad saan man parte ng mundo .
Gaya
ko..Ako ay isang dating OFW worker din nakipagsapalaran sa Middle
East ,sa aking panalangin sa diyos na gabayin ang bawat araw ko sa
ibang bansa na malupit ang patakaran ng Bansang Arabo
,pero lahat ng ito ay tiniis ko at kailangan harapin dahil ito ang gusto
kong patunayan sa sarili ko na kaya kong maging responsable sa
buhay at maging malaking tulong sa aking pamilya na kadalasan ito
ang dahilan ng pag alis ng bawat Filipino ang humarap sa maayos na
kinabukasan maging sa mga binata’t ,dalaga pa na nagdesisiyong mag-i
bang bansa o di kaya sa mga may mga sariling pamilya na ,sa isip ang bigyan ng
magandang kinabukasan sa mga anak/pamilya.
Unang
pagkakataon ko nakarating sa ibang Bansa ,akala ko porke’t kabayan
(ika nga kapwa Filipino)mabait sa kapwa kabayan.,pero sa totoo lang
iba ang dating ng mga ibang kabayan sa ibang bansa lalo na sa middle east
mabait sa’yo sa harap pero pagtalikod ..tutuhukin ka ng talikuran lalo na pag
ika’y napalapit na sa amo kung papano ang tiwala na pinagkaloob na sa’yo,
mapahamak ka lang sa walang kalaban-laban ayon sa gusto nila,lalo na ang mga
datihan na nandoon di nila kayang tanggapin kung may bagong dating
sinasapawan sila. Sa mga araw lumilipas madali lang naman ang lahat ng bagay sa
ibang bansa kung ikaw ay may prinsipyo sa buhay at may disiplina
madaling harapin kahit anong hirap sa amo o di kaya sa kapwa na OFW
workers pero it’s so sad to think
sila pa ang kabayan mo sila pa ang malupit!!mayayabang kahit parehas lang ang
estado kung umasta akala higit pa sila sa mga amo (na mabait naman sa kapwa
tao) …sa dahilan ng kalupitan nila sa kapwa kabayan …AY ANO?dahil kadalasan
galit sila sa pag humadlang sa kanilang maling gawain ang mangupit sa
alaga/amo...bilang lang sa mga kapwa filipino mababait sa ibang bansa . sensya
na expose ko lang to ‘ sa masamang ugali ng ibang kabayan sa ibang bansa.
matuto tayo magkaroon ng puso sa kapwa kabayan ..lalo na parehas malalayo sa mga minamahal sa buhay at nakikipagsapalan sa ibang bansa saan man lupalop sa mundo .huwag masyado nagmamataas sa estado ng kinalalagyan sa trabaho at sa amo at kapwa Filipino pa ang maglalagay sa kaparehas na lahi (kabayan)sa kumukulong tubig o sa kapahamakan.
paano kung sa'yo din gagawin ang iyong maling gawaing masakit di ba?