Linggo, Setyembre 30, 2012


 Kwentong OFW'S.......basahin mo para magising ka sa katotohan!


                   Ang buhay nga naman ng mga OFW'S  maraming bagay na puede maranasan habang malayo sa mga mahal sa buhay,mahirap makipagsapalaran  una’t –una pa man di alam ang buhay  na haharapin pagdating sa kabilang ibayo mula sa Bansa ng Pilipinas Patungong Abroad saan man parte ng mundo .

                   Gaya ko..Ako ay isang dating OFW  worker din nakipagsapalaran  sa Middle East ,sa aking panalangin sa diyos na  gabayin ang bawat araw ko sa ibang bansa  na malupit ang patakaran ng Bansang  Arabo ,pero lahat ng ito ay tiniis ko at kailangan harapin dahil ito ang gusto kong  patunayan sa sarili ko na kaya kong maging responsable sa buhay  at maging malaking tulong sa aking pamilya na kadalasan ito ang dahilan ng pag alis ng bawat Filipino ang  humarap sa maayos na kinabukasan  maging sa mga binata’t ,dalaga pa na nagdesisiyong mag-i bang bansa o di kaya sa mga may mga sariling pamilya na ,sa isip ang bigyan ng magandang kinabukasan sa  mga anak/pamilya.

                  Unang pagkakataon ko nakarating sa ibang Bansa ,akala ko porke’t  kabayan (ika nga kapwa Filipino)mabait  sa kapwa kabayan.,pero sa totoo lang iba ang dating ng mga ibang kabayan sa ibang bansa lalo na sa middle east mabait sa’yo sa harap pero pagtalikod ..tutuhukin ka ng talikuran lalo na pag ika’y napalapit na sa amo kung papano ang tiwala na pinagkaloob na sa’yo, mapahamak ka lang sa walang kalaban-laban ayon sa gusto nila,lalo na ang mga datihan na nandoon  di nila kayang tanggapin kung may bagong dating sinasapawan sila. Sa mga araw lumilipas madali lang naman ang lahat ng bagay sa ibang bansa kung ikaw ay may prinsipyo sa buhay  at may disiplina madaling harapin kahit anong hirap sa amo o di kaya sa kapwa na OFW workers  pero  it’s  so  sad to think sila pa ang kabayan mo sila pa ang malupit!!mayayabang kahit parehas lang ang estado kung umasta akala higit pa sila sa mga amo (na mabait naman sa kapwa tao) …sa dahilan ng kalupitan nila sa kapwa kabayan …AY ANO?dahil kadalasan galit sila sa pag humadlang sa kanilang maling gawain ang mangupit sa alaga/amo...bilang lang sa mga kapwa filipino mababait sa ibang bansa . sensya na expose ko lang to ‘ sa masamang ugali ng ibang kabayan sa ibang bansa.

 matuto tayo magkaroon ng puso sa kapwa kabayan ..lalo na parehas malalayo sa mga minamahal sa buhay at nakikipagsapalan  sa ibang bansa saan man lupalop sa mundo .huwag masyado  nagmamataas sa estado ng kinalalagyan sa trabaho at sa amo at kapwa Filipino pa ang maglalagay sa kaparehas na lahi (kabayan)sa kumukulong tubig o sa kapahamakan.

         paano kung sa'yo din gagawin ang iyong maling gawaing masakit di ba?

        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento