Kailan kame naging mayaman sa paningin ng tao..dahil ba ay may abroad sa pamilya?
Ang hirap sa araw-araw na pamumuhay kung isa sa bahay ay kulang, lalong-lalo na kapag ang haligi ng tahanan ay napalayo ang trabaho ,tiis ang abot ng bawat isa sa pamilya lalo na ang mga anak wala sa bilang marami man o konti ang anak masakit pa rin yon sa anak at asawa na hindi kapiling ang tatay o ang nanay sa araw araw na lumilipas ang panahon.
Sa paglaki ng bawat anak ng OFW's hindi lagi pera ang katapat gaya ng inaakala ng maraming tao na mayaman ang may pamilyang abroad at wala ng sakit sa bulsa nararanasan...dahil hindi lahat nasa abroad ay malaki ang sweldo gaya ng mga OFW's sa Middle East kung hindi marunong mag budget ang naiwan sa pinas sigurado baon sa utang ang bawat pamilya naiwan ng OFW workers.may mga pangyayari pa kailangan antayin ang padala ni papa o ni mama dahil wala pa silang sweldo kaya kadalasan pag hindi marunong magtipid at mag budget baon sa utang ang kalalabasan.eto ba ang mayaman?
Maraming deskriminasyon nangyayari sa lipunan ngayon ang mga anak ng OFW's pag sinabi ang magulang nasa abroad halos karamihan sa kapaligiran ang nasa isip mapera at hindi na kailangan ang kahit anong biyaya na ipinagkakaloob sa mga bata mula sa mga pribadong pundasyon o tulong mula sa ibang bansa.pero kung ibabase lamang ang kalagayan mas hirap ang mga anak ng OFW's dahil sa tindi ng pangulila sa minamahal nilang ama o ina na ubo't ng layo napadpad ang trabaho sa madalit sabi nakipagsapalaran.
ang pagkaroon ng magulang na nagtratrabaho sa ibayong bansa ito ay nagpapakita lamang na gaano ka responsable bilang magulang sa mga anak at huwag naman sana sisihin ang mga sitwasyon ng ibang pamilya na nanatili sa sariling bansa kung ikukumpara ang bawat antas ng buhay ng bawat pamilya na may nagtratrabaho sa ibayong Bansa kaya dapat ang biyaya na binibigay ng isang pribadong pundasyon ay mananatili sa mga bata na ang magulang ay hindi nag ibayong bansa.huwag naman sana maging ganoon ang deskriminasyon dahil masakit din sa kapwa bata sa nakikita na ba't hindi sya napapabilang sa mga biyayang nakakamit ng kapwa bata sa lipunan na ito dahil ba ay nasa abroad ang magulang....ang tanong malaki ba ang sweldo at ipinapadala sa pamilya ,wala bang binabayaran sa bawat buwan ang pamilya sa pinas,mga gastusin sa araw-araw at pangangailangan ng bawat anak sa kani-kanilang edukasyon.maraming bagay na paghihirap ang nararanasan ng bawat pamilya na may abroad ikumpara sa pamilyang nanatili sa sariling bansa na hindi pinagtutuonan ng pansin ng karamihan paano ba lumalaki ang mga anak ng OFW workers na hidi nasisilayan ng magulang (tatay / nanay o parehas nasa abroad) dahil sa isip ng maraming tao sa kapaligiran pera lang ang katapad ng pangulila ..ngayon eto ba ang mananatili sa kaisipan ng karamihan MAYAMAN...MAPERA ang pamilyang may nagtratrabaho sa abroad? marami ng umuuwi sa Pilipinas mula sa ibang bansa na luhaan o masasabi natin may matinding hindi inaasahan problemang naranasan sa ibayong Bansa ..magkaroon naman sana tayo kahit konting konsiderasyon man lang sa bawat sitwasyon ng bawat OFW workers at sa mga pamilya naiwan sa bansa na patuloy lumalaban at sakripisyo sa buhay .
Sana itong konting paliwanag ko ay magsilbing gabay sa bawat isipan ng kapwa na mapanghusga na hindi mayaman ang mga OFW workers at ang mga naiwan na pamilya sa bansa. MAGTRABAHO NA LANG NG MAAYOS KAGAYA NG PAGSISIKAP NG MGA OFW'S NA GINAGAWA NILA UPANG MAIPAKITA NA SILA AY BAYANING MAGULANG AT RESPONSABLE..!!
'' TIGILAN NA ANG MALING AKALA ''.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento