MINSAN HIRAP ITO UNAWAIN NG MGA PAMILYA SA PINAS HINDI INIISIP ANO BA ANG NANGYAYARI SA KANYA DOON KUNG ANG MAHAL NATIN SA BUHAY AY MASAYA BA SA ARAW-ARAW NA LUMILIPAS HABANG S'YA AY NASA ABROAD?
KADALASAN MGA NANDITO PA SA PILIPINAS ANG NAGTATAMPO....oras pera na ang dahilan...
Gaano nga ba kahalaga ang pera? Bakit kailangan pa natin lumayo, ipagpalit ang kaligayahan sa piling ng pamilya, sa mga malalapit na kaibigan?, at pagkatapos nun ano ang magiging kapalit, maginhawang buhay, magandang bahay, me sasakyan, masasarap na pagkain, sapat na ba yun?, sapat na ba yun sa mararanasan mo sa ibang bansa, sapat na ba yun para di ka makilala ng mga anak mo sa pagbabalik mo, sapat na ba yun para maranasan mo ang hirap ng walang karamay, ang tumulo ang luha mo habang nagta trabaho ka.Nung nasa Pinas pa lng ako nakaka inggit ang mga nagbabalik bayan, para bang ang sarap sarap ng buhay nila, inisip ko sana maka punta din ako ng ibang bansa, sana makapag abroad din ako, tapos nun nagsimula ako mag apply, medyo sinwerte din kaya natanggap, nung nagsisimula na ako mamili ng mga dadalhin ko aba parang nag iiba na mundo ko, na para bang ok lng kung ano man ang mangyayari sa akin, di ko malaman kung matutuwa ba ako o malulungkot, natutuwa ako kasi maiibigay ko na sa pamilya ko ang mga bagay na kailangan nila, di na ako mag aalala sa pag aaral nila, sa isang banda nalulungkot kasi mawawalay na ako sa mga minamahal ko, halo halong emosyon ang nararamdaman ko.Nung nasa airport na kami, nakikita ko mga kasama ko na mag aabroad din, umiiyak sila, mga pamilya nila, me nakita pa nga ako na yung anak ayaw humiwalay sa papa nila, nakita ko pamilya ko, gusto nila umiyak, pero alam ko pinipigil lng nila, inisip ko bakit sila umiiyak, bakit parang wala ako nararamdaman, hanggang sa umalis na kami, isang kaway lng ang naitugon ko sa pamamaalam ng pamilya ko, hanggang dumating kami dito sa ibang bansa parang wala pa din ako sa sarili ko, tapos nararamdaman ko habang dumadaan ang mga araw nag iiba na, minsan sa oras ng trabaho bigla na lng mahuhulog ang luha mo, ganun pala yun, akala ko nagbibiro lng mga dating nag abroad sa nararamdaman nila, bigla ka na lng gugulatin ng kasamahan mo, kasi nakatulala ka na pala, minsan nararamdaman mo na lng para bang palagi ka na lng busog, para bang kahit na gusto mo kumain e ayaw naman lumampas ng kinakain mo sa lalamunan mo, gusto mong matulog pero ayaw pumikit ng mga mata kasi nahuhulog na mga luha, ahhhhhh, buti na lng meron cellphone ano, pero teka, parang lalo lang yata ako nalungkot kapag nadidinig ko ang tinig ng aking mga mahal sa buhay a., ganito ba talaga kahirap ang nasa malayo.Ito ba ang kapalit ng ibibigay kong magandang buhay sa kanila, ganito pala ang nasa abroad naisip ko din, kaya pala madami pamilyang nasisira, minsan di nila makayanan ang sobrang kalungkutan, kaya ayun naghahanap sila ng makakapitan, buti na lng naka isip ako ng ibang paraan para makasama ko ang pamilya ko kahit nasa malayo ako,ano ba nmn pabilhin mo sila ng computer at bumayad ng internet kung sa pag uwi mo naman sa bahay mo e makikita mo na sila, makaka kulitan mo mga anak mo habang nagkukwentuhan kayo.Napakahirap pala talaga ng nasa ibang bansa, para lang ipagpalit ang kaligayahan ng pamilya mo para lng sa kakarampot na kita, sana mapaglabanan lahat natin ito, makaka uwi din tayo at makakasama na natin mga pamilya natin..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento